Thursday, April 30, 2009
Bughaw na Biyernes sa Saudi
Papaikot na parang kamay ng orasan ang pagkakasunod-sunod ng larawan: Asul na bote mula sa Earth911, ang serye sa BBC na Blue Planet, ang Blue Lagoon sa Iceland, sapatos na Nike at ang paborito ng mga pamangkin kong Blue's Clues.
Nalulumbay ako. Sa ingles, I'm blue. Kaya ito ang mga nakolekta ko ngayong Biyernes sa Saudi.
Ikaw, ano'ng kulay ang Biyernes mo, sa Saudi man o kahit saan?
Wednesday, April 29, 2009
Kulay puti
Ikinasal na si Juday. Habang binabasa ko ang mga balita sa kanya, isang kulay lang ang naiisip ko palagi. Puti.
Ngayong weekend, dadalaw ako sa Ikea sa Dhahran para ma-inspire sa napakaraming kulay ng mga kagamitan. Pero mas magiging partikular ako sa puti.
Puti ang kulay ng araw ko ngayon.
At heto ang daan patungo sa Ikea Dhahran.

Sunday, April 26, 2009
Kulay itim
Ikaw? Ano'ng kulay mo...?
Hango ito mula sa isang email na natanggap ko. Ang sabi, isinulat daw ang tula ng isang batang egoy at nanalo raw ang tula sa isang UN competition. Totoo man ito o hindi, isinalin ko ang gawa sa wikang Pilipino bilang papuri sa sinumang may gawa nito.Itim akong ipinanganak
Lumaki akong itim pa rin
Itim pa rin kapag ibinilad sa araw
Itim pa rin kapag natatakot
At pagkakasakit, nangingitim din
Mamamatay akong kulay...itim.
Ikaw na puti ang balat
Pink ka nang ipanganak
Nang lumaki'y naging puti
Namumula sa ilalim ng araw
Kulay bughaw naman kapag giniginaw
Tuwing natatakot, ika'y naninilaw
At kapag nagkasakit, nagiging luntian
At sa iyong pagkamatay, nagiging kang kulay abo.
At ang tawag mo sa akin ay 'colored'?
(Ang larawan sa ibaba ay mula sa http://www.allposters.com/ at iginuhit ni Frank Morrison. Maari mo pang makita ang ibang gawa ni Frank Morrison dito).
Title: The ThinkerAng orihinal na tula sa wikang Ingles ay nagsasabing...:
Artist: Frank Morrison
Type: Art
PrintSize: 18 x 22 in
Item #: 1249111
When I born, I black
When I grow up, I black
When I go in Sun, I black
When I scared, I black
When I sick, I black
And when I die, I still black
And you white fellow
When you born, you pink
When you grow up, you white
When you go in sun, you red
When you cold, you blue
When you scared, you yellow
When you sick, you green
And when you die, you gray
And you calling me colored?
Ako? Bilib ako sa kulay ko...ako ay Pilipino!
Ang makukulay na daigdig ng 70's wallpaper
Pasintabi kay Tutubi. Nawala muna sya panandali sa post na ito upang bigyang daan ang ilang magagandang graphics.
Natagpuan ko ang mga patterns na ito mula sa http://www.colourlovers.com/.
Mga 70's-inspired ang pagkakadibuho at tunay namang nakaka-aliw sa paningin.
Marami ka pang maaaring pagpilian at kunan ng inspirasyon kung dadalawin mo lamang ang kanilang site.

Friday, April 24, 2009
PEBA 2009
Wala namang edad ang pagkatuto...
Wala na naman akong nagawa ngayong weekend sa Saudi. Puro pag-aaral lang sa Photoshop na sa dami ng mga clickable items ay hindi ko malaman ang uunahin. Minsan isang araw, malalaman ko rin ito.Ang lahat naman ng tao, kung gugustuhin, madaling matutunan ang mga bagay -- lumang kaalaman man o bago. Sabi nga nila habang nagkakaedad ang isang tao, dapat laging may natututunang bago. Ito ay para patuloy na mahasa ang utak.
Ang pag-aaral ng Photoshop ang paraan ko upang mahasa ang aking isip.
PEBA 2009
Nais ko sanang lumahok sa patimpalak ng PEBA (Pinoy Expats Blog Awards) hindi para manalo kundi para makasalamuha ang iba pang Pinoy na naninirahan at namamasukan sa ibang bansa na gaya ko. Pero dahil nga kapiraso lang ang nalalaman ko sa graphic arts, sa palagay ko hindi ko makakayang makagawa ng artwork banner ng PEBA.
Ganunpaman, hayaan nyo na lamang na makilahok ako sa pamamagitan ng pagpapaskil ng kanilang patimpalak na may temang:
Filipinos Abroad: Hope of the Nation, Gift to the World
(Translation ko: Overseas Pinoy: Pag-asa ng bayan; biyayang handog para sa mundo)
OFW: May husay na galing at talinong maipagmamalaki.
OFW: Handog ng Pinoy sa mundo...
Bukas ang patimpalak sa lahat ng OFWs o expatriates na nagsusulat ng blog. (Tanong ko lang at wala sanang makaisip ng masama: Sa usapin ng pagtatrabaho sa ibang bansa, ano ang kaibahan ng OFW at Pinoy expatriate? Tingin ko pareho lang sila pero mas tanggap -- ibig sabihin, politically correct -- ang term na OFW. Ang expatriate kasi parang medyo maka-kanluranin sa pandinig).OFW: Handog ng Pinoy sa mundo...
Pero wala naman sa term yan; nasa puso.
Kaya expatriate man ang tingin mo sa sarili mo o OFW kaya, tara na! Sali ka na sa PEBA 2009.
Tuesday, April 21, 2009
Wala pang bubong ang bahay kong ito
Ang headers ang una ko laging napapansin sa mga blogs. Parang bubong ng bahay ang tingin ko.
Matagal na panahon ding hindi nakapagtala ng saloobin si Tutubi. Marami kasing bagay ang nasa isip kaya hindi magkaroon ng oras upang ibahagi ang kanyang mga nakaraang araw. Ganyan nga talaga ang buhay. Marami tayong nakakalimutan paminsan-minsan.Hindi ko naman napabayaan ang pahina kong ito. Tingnan mo nga't iba na naman ang tahanan ni Tutubi sa pagnanasang maiba sa karamihan. Hindi ko pa natatapos ang
header na magsisilbing bubong ng aking tahanan. Minsan isang araw, matatapos ko rin ito.
Marami na rin akong napagdaanang mga blogs ng kapwa Pinoy, ng kapwa taga-Saudi, mga kapwa OFW. Karamihan sa kanila malalaman ang sinasabi. Pero iisa lang ang lagi kong napagtutuunan ng pansin -- ang mga magagandang headers. Para sa akin kasi, ito ang unang-unang nakikita sa isang blog. Kung gaano pinag-isipan ang bubungan ng tahanan.
Minsan isang araw, ililista ko rito ang mga nagustuhan kong blog headers na magsisilbing inspirasyon sa aking sariling bubong.
Tuesday, April 14, 2009
Paraiso Parausan, Panimula
Sa isang madilim na kalye sa Liliw, doon ko natagpuan Paraiso Parausan...
Ito ang panimula ng isang maiksing kwentong hindi ko alam kung saan patutungo. Ang alam ko lang, ang kanyang pamagat ay Paraiso Parausan.Isa ba s'yang tao? Babae? Sa tono pa lamang ay masasabi nang isa s'yang babae. Paraiso ang pangalan. Nakatago sa kanyang malamlam na mata ang isang sinag ng pag-asa. Mahirap lamang s'ya ngunit isa s'yang masikap na babae. Pero bakit Parausan? Uri ba ng trabaho n'ya ito? O ito nga ba marahil ang kanyang tunay na huling pangalan? Paraiso Parausan. Babae. Dalaga.
Sa isang madilim na kalye sa Liliw, doon ko natagpuan ang Paraiso Parausan...
O isa nga ba itong lugar sa isang liblib na kanayunan sa Liliw. Lugar na kung saan nagtitipon-tipon ang mga maiinit na pangitain at naisasagawa ang tawag ng kalamnan. Lugar na kung saan pinamumugaran ng mga lalaking nalulumbay at mga babaeng handang magbigay ng aliw. Isang mumurahing kabaret marahil. Ang kahuli-hulihang kabaret ng aking kabataan.Tama. Doon ko sa Paraiso Parausan Kabaret nakilala ang isang magandang dalaga na tinawag nilang Paraiso Parausan.
Bakit pumasok si Paraiso sa Paraiso Parausan? Dala ng kahirapan? O pinilit ng amain?
Marahil ay wala na syang ina (dahil sino'ng ina ang papayag na maging hostess ang kanyang dalaga?). Marami syang kapatid kaya napilitan syang pasukin ang ganitong trabaho.
Haaay...ang pagbubuo ng isang kuwento ay lubhang napakagulo.
Ilang tao na nga ba sya? Dalaga? Pero kung gawin ko kayang isang me edad nang babae. Me edad na hostess si Paraiso sa Paraiso Parausan. Tama. Si Paraiso ang kumbaga'y kagampanan ng pagiging binatilyo ng mga kabataang lalaki sa Liliw -- bukod siyempre sa tuli.
Ano ang nangyari kay Paraiso upang maging karapat-dapat syang tauhan sa aking maikling kuwento? O ano kaya ang maaring gawin ni Paraiso upang maging kaaya-aya ang kanyang pagiging tauhan sa kuwento ko? May lihim kaya siyang maibubunyag? Ano? Na siya ay isang ina? At ikinahiya siya ng kanyang anak? Hmmm...tipikal na teleserye. Hindi mainam.
Lihim...lihim...ang buhay ng tao ay punong-puno ng mga lihim. Pero ano ang lihim sa likod ng buhay ni Paraiso?
Malalaman bukas...malalaman ko bukas ang magiging kagampanan ng buhay ni Paraiso. (O maaari rin namang tulungan mo ako sa pagbubuo ng kwento n'ya. Ano'ng masasabi mo?).
}:{ Nais mo bang mabasa ang iba ko pang sanaysay?...
Monday, April 13, 2009
Iginuhit ng may lihim na ngiti
Iginuhit ka ng simple. Makahulugan. Ngiting mananatili kailanman.
Pagmasdan mo syang mabuti. Napakasimple ng kanyang ngiti ngunit punong-puno ng kahulugan. Ang kwento nya ay kung ilang ulit nang nilaro ng guni-gunit at magalaw na imahinasyon. Sya'y sinasabing asawa, ina, kalaguyo, lalaki, dyosa.Simple lamang ang likhang sining ni Leonardo Da Vinci ngunit ito ang pinakatanyag sa lahat ng gawang sining ninuman. Kung anu-anong teorya na nga ang ikinabit sa larawan. May ilang nagsasabing ang modelo sa canvass ay ina ni Da Vinci. O baka nga rin si Da Vinci mismo. O composite ng maraming modelo na pinagtagpi-tagpi ni Da Vinci.
May lihim ang iyong ngiting hindi malaman kung saan nagmula.
Ang mga matang mong may kislap, waring nangungusap.
Inawit sya, isinadula, nilapatan ng tula at isinapelikula, sa pagnanasang malaman ang tunay na lihim sa likod ng napaka-among mukha.
At habambuhay kang tititigan nang walang sawa,
Dahil ang pahiwatig mo'y magkakaiba, nag-iiba.
Kung may isang bagay ang naituro sa akin ng likhang sining na Mona Lisa, ito ay ang katotohanang ang sining na pinagbuhusan ng puso at panahon, walang hanggang hahangaan.
Kailanma'y patuloy na lamang huhulaan ang dahilan ng iyong ngiti --
ngiting kahit walang hanggang panahon ang di makapagpapawi.
Ang larawan ni Mona Lisa ay hinango ko mula sa Museo ng Louvre.
}:{ Nais mo bang mabasa ang iba ko pang sanaysay?...
Saturday, April 11, 2009
Pagbubuo ng kwento
May kwento sa isip ko at nais ko itong magkahugis. Maaari mo ba akong tulungan?
"Siguro kung makakapagsalita lang ang bintanilyang kinahihiligan ng aking mga braso ngayon, magrereklamo na ito at sasabihing, nangangawit na ako! Kanina pa kasi ako nakatalungko at nakatingin sa labas. Pinagmamasdan ang nanay kong nakayukong nagwawalis ng mga nahulog na dahon ng kawayan. Si Tatay nama'y nagsisiga sa may dako pa roon upang hindi daw pamahayan ng lamok ang aming bahay.Ako si Luis. Dalawapu't pitong gulang. Walang asawa. Hindi na yata makakapag-asawa.
Nagtapos ako ng high school sa isang di-kilalang paaralan sa di kilalang baryo, bandang Liliw, Laguna.
Isa akong lumpo."
Ito ang panimula ng isang kwentong hindi ko alam kung saan patutungo. Hindi ko pa nga alam ang pamagat pero mainam siguro ang: Luis ng Di Kilalang Paraiso. Gusto ko syang ihawig sa Cask of Amontillado ni Edgar Allan Poe. First-person narrative sana ang nais kong gamitin upang lalong maging madamdamin ang bawat tagpo.
Hindi ko pa nga lang alam kung sino ang papatayin ni Luis. At kung bakit kailangan nya'ng pumatay.
Sisikapin ko itong mabuo at magkaroon ng hugis. Matutulungan mo ba ako?
}:{ Nais mo bang mabasa ang iba ko pang sanaysay?...
Sa ikatlong araw
At sa ikatlong araw, nabuhay Syang mag-muli...
Bakit nga ba itlog ang nakasanayang simbolo ng Easter?Dahil sinasagisag daw nito ang paglalakbay ng buhay -- mula sa libingan (yong shell) patungo sa pagkabuhay (yong pagkapisa ng shell at paglabas ng inakay).
Makakanluraning tradisyon! Maka-wikipediang paniniwala.
Aaminin ko na: Hindi pa ako nakaranas ng egg-hunting. Sa mahal ng itlog sa Pilipinas (at kahit pa nga may mga manok kaming alagain), hindi pa rin namin makayang kulayan ang mga itlog at itago ito (upang hanaping muli).
Salubong. Ito lang tanging paraang alam ko sa paggunita ng muling pagkabuhay ni Hesus.
Ang salubong ay isang prusisyong ginaganap sa madaling araw ng Linggo, pagkatapos ng Viernes Santo, kung saan ipinapakita ang muling pagkikita ni Hesus at ni Inang Maria (na, sa hindi ko malamang kadahilanan, ay hindi naman naturan sa banal na aklat).
Hiwalay na nagtitipon ang babae't lalaki sa amin. Ang mga lalaki ay kasama ang Poong Hesus at ang mga babae nama'y ang Inang Maria. Sa magkabilang dulo ng pagkahaba-habang kalsada, magsasalubong ang kongregasyon at doon pakakawalan ang mga ibon at ibababa ang mga batang anghel.
May isa pa akong aaminin: nakalimutan ko na ang pakiramdam ng Salubong dahil bata pa ako nang huli akong sumali sa Salubong.
At mas lalo pa ngayong nasa Saudi Arabia ako. Kahit na wala ako sa Salubong bukas ng madaling araw sa Pilipinas, kahit paano'y lalasapin ko pa rin ang hindi ko na maalalang pakiramdam ng prusisyon. At bilang paggunita kay Hesus, heto ang isang simpleng banner na handog ko.
}:{ Nais mo bang mabasa ang iba ko pang sanaysay?...
Panalangin para sa Kuya ni Bing
Panginoon, lingapin Nyo po ang Kuya ni Bing. At isama nyo pong hipuin ng inyong mapagpalang kamay si Bing at ang kanyang pamilya. Tugunan Nyo po ang kanilang mga dalangin at bigyan Nyo po sila ng kapanatagan.
Friday, April 10, 2009
Alalahanin mo ako, Panginoon
Alalahanin mo ako Panginoon sa iyong muling pagkabuhay...
(Mula sa pitong huling wika ni Hesus).Alalahanin mo ako Hesus pagkarating
mo sa tahanan ng Ama.
At akuin ang aking dalamhati,
salitan ang pighati ng tuwa,
nang maging mapayapa ako'ng tigib ng agam-agam.
Alalahanin mo ako Hesus
sa huling yugto ng buhay mo,
at linisin mo ang aking budhi na
puno ng pag-iimbot at kasalanan
at ariin akong kabilang ng iyong angkan.
Alalahanin mo ako Hesus
sa gitna ng iyong paghihirap,
hugasan ang aking mga sala,
at paniwalaang ako'y naniniwala
na babalikan mo ako sa takdang panahon.
Alalahanin mo ako Hesus, bigyan ako ng lakas,
upang harapin ko ang sariling
krus at kalbaryo, nang sa huli'y
maialay ko rin iyo ang aking sarili, at
ang huling yugto ng aking hininga.
}:{ Nais mo bang mabasa ang iba ko pang sanaysay?...
Viernes Santo ng aking kabataan
Sana araw-araw, Viernes Santo para lalong bumait ang mga Pilipino.
Viernes Santo ngayon. Naglagay ng isang basong tubig sa altar ang kasama ko sa bahay. Iinumin daw nya pamaya-mayang alas-tres. Ito daw ang dahilan kung bakit hindi sya masyadong dinapuan ng sakit nuong nakaraang taon.Ako din. Naglagay na rin ako ng isang basong tubig. Iinumin ko rin mamaya.
Marami pinaniniwalaang tradisyon ang mga Pilipino. Hindi dapat maligo kapag Viernes Santo. Dapat hindi masyadong magarbo sa Viernes Santo. Dapat walang masyadong tawanan (o katuwaan) dahil ginugunita ang kamatayan ni Jesus ngayon. Dapat laging nagdadasal sa Viernes Santo.
Sana araw-araw Viernes Santo na lang para lalong bumait ang mga Pilipino.
Viernes Santo ng aking kabataan
Kung nasa Pilipinas lang ako, makikinig kami ng Siete Palabras pagkapananghalian. At sigurado ako, panonoorin namin ang The Passion of the Christ. At makikipagprusisyon sa Santo Intiero sa hapon ng Biyernes. Sa Antipolo, kung saan ako lumaki, ito ang pinakamahabang prusisyon na dinadaluhan ko. Iniikot yata nito ang buong kabayanan ng Antipolo. Ito rin ang tanging prusisyon na ang dami-daming santo na kasama. Kami naman laging nakabuntot kay Maria Magdalena o kaya kay San Juan. Hindi ko alam kung bakit.
Noong bata pa ako, lagi naming inuulam ay dilis kapag Viernes Santo. Inis na inis ako pero ngayon alam ko na kung bakit. Nakikiayon siguro ang nanay ko sa okasyon.
Bawal din ang malalakas na tugtugin. (Tuwing Ramadan sa Saudi, puro pang-ponebre ang tugtog sa radyo. Bakit kaya hindi rin ganuon sa Pilipinas?).
Easter Vigil Mass
Ngunit ang pinaka-inaabangan kong araw ng taon ay ang Easter Vigil. Sa personal kong pananaw, ito ang pinakadramatikong misa ng mga Katoliko. Biruin mo, patay lahat ang ilaw sa simbahan at ang lahat ng kongregasyon ay nagtitipon sa labas, nakapalibot sa isang malaking siga. Dramatic di ba? At mauunang ipasok sa simbahan ang malaking vigil candle kung saan lahat ng tangan naming kandila ay sisindihan. Pinakamahaba rin ang misang ito (at dahil nga ginaganap sa hatinggabi, medyo nakakaantok rin). Pero may isang punto sa misa na sisindihan lahat ang ilaw. Napaka-dramatic talaga. At lagi akong napupuspos ng tuwa tuwing dumadalo ako sa isang Easter Vigil mass.
Dalawang taon na nang huling dumalo ako sa misa ng Easter Vigil.
Wala kasing Eastern Vigil mass dito sa Saudi.
}:{
Thursday, April 9, 2009
Halika, kwentuhan mo ako...
Mahirap ang buhay ng pag-iisa -- sa paniniwala, sa klase ng piniling buhay. Pero nasasanay na rin ako...
Halika, pasok, hubdin ang tsinelas, at magkuwento.Ng mga bagay na nakakatawa at alam mong makakapag-alis ng aking lumbay.
Mahirap ang mag-isa. Sa buhay, sa klase ng buhay, sa paniniwala.
Pero dahil ito ang pinili kong tahakin, dapat kong matanggap
ang lahat ng bagay na nakakabit sa aking piniling daan.
Hindi ko naman hangad ang anupaman kundi
ang lumigaya, mamuhay ng tahimik at isaayos ang pangarap.
Paminsan-minsan, naghahangad din akong may makapiling sa gabi ng pag-iisa.
Pero dahil ang pagdating ng ganuong panahon ay hindi madalas,
Medyo nasasanay na rin ako sa aking pag-iisa. Sa pagiging malumbay.
Ito na rin ang dahilan ng aking pagsusulat.
Upang ibahagi ang buhay na hindi ko naibahagi kahit kaninuman.
Hangad kong makasumpong ng katahimikan ng sarili.
Habang ikinukuwento ko ang aking buhay at pangarap.
Habang nabubuhay ako sa aking hiram na tirahan, malayo sa aking magulang.
Halika, kwentuhan mo ako...
Minsan isang araw, liligaya rin ako.
}:{
Magtatag-init na sa Saudi
<
Ganito kasi kung magpalit ng panahon ang Saudi Arabia. Sandstorm muna. Tapos uulan. Ibig sabihin, tapos na ang aming tag-lamig. Ibig sabihin, tataas na naman ang bayad namin sa kuryente dahil lagi na namang nakabukas ang aming air-conditioner. Ibig sabihin, para na naman akong tanga na kanda-iwas sa araw sa takot na baka bumalik ang normal kong kulay -- ang kulay uling.
Ayaw ko sana ng tag-init. Mas gusto na tag-lamig sa Saudi dahil masarap ang bumaluktot sa kama. Iyon bang magtalukbong ka lang ng makapal na kumot habang nanonood ka ng telebisyon. Samantalang kapag tag-init, halos ayaw ko nang lumabas ng bahay dahil humid minsan ang panahon. Humid ay yong para kang nasa loob ng sauna bath. Kahit tumayo ka lang sa isang sulok, pagpapawisan ka at halos hindi ka makahinga. Ayoko nang ganun. Minsan lang naman yon mangyari sa Saudi. Kapag dumadating ang ganung panahon, nagkukulong na lang ako sa kuwarto.
Hihintayin ko lang matapos ang sandstorm. Aalis din ako pamaya-maya upang mamalengke ng isda. Gusto daw magluto ng ginataang tamban ng kasama ko. Masarap magluto ang mga kasama ko sa bahay. Ako lang ang taga-kain.
}:{
Sandstorm ngayon. Senyales na iinit na ang panahon. Tag-araw na nga sa Saudi.
Ngayong hapon pagkagising, nakita ko na medyo makulimlim ang panahon. Sandstorm na naman. Tapos may kaunting ambon. Weird. Mabaho tuloy ang simoy ng hangin. Alimuom ba ang tawag nila duon? Makabubuti kung magtatagal ang ulan para malinis ang paligid at mawala ang alikabok na dala ng sandtorm.Ganito kasi kung magpalit ng panahon ang Saudi Arabia. Sandstorm muna. Tapos uulan. Ibig sabihin, tapos na ang aming tag-lamig. Ibig sabihin, tataas na naman ang bayad namin sa kuryente dahil lagi na namang nakabukas ang aming air-conditioner. Ibig sabihin, para na naman akong tanga na kanda-iwas sa araw sa takot na baka bumalik ang normal kong kulay -- ang kulay uling.
Ayaw ko sana ng tag-init. Mas gusto na tag-lamig sa Saudi dahil masarap ang bumaluktot sa kama. Iyon bang magtalukbong ka lang ng makapal na kumot habang nanonood ka ng telebisyon. Samantalang kapag tag-init, halos ayaw ko nang lumabas ng bahay dahil humid minsan ang panahon. Humid ay yong para kang nasa loob ng sauna bath. Kahit tumayo ka lang sa isang sulok, pagpapawisan ka at halos hindi ka makahinga. Ayoko nang ganun. Minsan lang naman yon mangyari sa Saudi. Kapag dumadating ang ganung panahon, nagkukulong na lang ako sa kuwarto.
Hihintayin ko lang matapos ang sandstorm. Aalis din ako pamaya-maya upang mamalengke ng isda. Gusto daw magluto ng ginataang tamban ng kasama ko. Masarap magluto ang mga kasama ko sa bahay. Ako lang ang taga-kain.
}:{
Sasamahan ba kita sa iyong paglalakbay?
Sasamahan ba kita kahit alam kong ako'y iiwan mo rin?
Kahit ba alam kong minsan isang araw ikaw'y mawawala rin.At sa minsang paggising ko'y wala ka na sa piling.
Kahit pa alam kong isang hapunan ang mapapanis sa hapag,
Habang naghihintay sa iyong pagdating at pagdalaw.
Tinanong mo akong kung sasamahan ba kita sa iyong paglalakbay,
Sa kung saang dako ay hindi mo naman tinukoy.
Natigilan ako at nag-isip ng malalim. Nakahanda nga ba ako?
Gayong alam kong ikaw'y kailanma'y hindi mapapasa-akin.
Sasamahan ba kita sa iyong paglalakbay?
Samantalang alam kong iiwan mo rin ako mag-isa balang araw.
}:{
Dahil kailanman...
Dahil kailanma'y...tayo'y bawal.
Walang kinalaman ang kinain ko kagabiO kung paano ako nagising kaninang umaga.
Wala ring kinalaman kung sardinas ang ulam ko ngayon,
O natawa kaya ako sa napanood ko sa telebisyon.
Basta ang alam ko...
nang matulog ako kagabi at pagkagising kaninang umaga
Ikaw ang nasa isip ko at iniilusyon,
na sana'y makatabi mamayang gabi at masumpungan paggising bukas.
Kahit na alam kong kailanma'y
Hindi magkakatooo ang aking ilusyon.
Malayo ka sa akin. Ikaw at ang loob mo.
Maari ngang hindi mo ako iniisip ngayon.
Dahil ang pagmamahal ko sa iyo at ang pagsakit ng puson ko
Ay dala lamang ng kalungkutan ng pag-iisa.
Dahil kailanman...alam kong hindi mo ako kayang mahalin.
Dahil kailanma'y tayo'y bawal.
}:{
Huwebes Santo sa Saudi
Normal na Huwebes ang Huwebes Santo ko dito sa Saudi.
D ko alam kung bakit pero hindi ko waring makita ang aking Tutubi blog. Hmp, siguro nagluluko na naman ang mga cache files ko (sa totoo lang, hindi ko rin naman alam ang ibig sabihin nun).Huwebes Santo. Katatapos ko pa lamang maglaba ng mga damit ko. Dito kasi sa Saudi, wala kaming pasok tuwing Huwebes at Biyernes. Nagtatrabaho kami ng 48 oras sa isang linggo na, sa kadahilanang gusto ko rin naman, ay kinakailangan naming pagkasyahin sa loob ng limang araw. Para nga naman mas marami kaming oras ng pahinga.
Pero nakakapagod din naman ang 10 oras na pagtatrabaho sa opisina kahit pa nga kadalasan ay nag-i-internet lamang ako. Biro lang.
Huwebes Santo ngayon kaya radyo lang ng free-to-air satellite ko ang bukas. Naka-tune in sa isang classic radio station. Mabuti na rin yon. Mainam habang nagsusulat ng blog.
Huwebes Santo ngayon. Maya-maya lang maliligo ako at magna-nap ng sandali. Pagkatapos ay mamamalantsa ng mga damit. Medyo madami din yon dahil hindi ako namalantsa noon isang linggo.
Ganyan lang naman ang buhay ko sa Saudi. Ang buhay ng isang single, may edad na OFW sa Saudi.
}:{
Wednesday, April 8, 2009
Empty cave
Ang pananampalataya ay paniniwala sa mga bagay na marami kang agam-agam.
Dumalo ako sa isang misang Katoliko dito sa lugar namin sa Saudi. Sa isang bahay lang ginanap. Eucharistic service ang tawag nila. Hindi pari ang namuno kundi isang taong itinalaga ng pari. Ang tawag sa kanya ay Eucharistic Priest o EP. Parang lay minister ba kung tawagin sa Pilipinas.Dito kasi sa Saudi, wala namang simbahan maliban sa mga moske ng mga Muslim. Dahil mahigpit na ipinagbabawal dito ang pagkakaroon ng ibang relihiyon maliban sa Islam. Dito kasi ang pinaka-kanlungan ng relihiyong Islam. Nandito sa Saudi ang tinagurian nilang Mecca, isang sagradong lugar na dinadayo ng mga Muslim sa buong daigdig.
Pero hindi na rin naman kasing-higpit dati ang Saudi Arabia. Medyo tino-tolerate na nila ang ibang relihiyon pero huwag nga lamang hayagan. Dati-rati, madalas ang paghuli sa mga pagtitipong pangrelihiyon. Pero hindi na ngayon. Huwag nga lamang hayag at nakakabulabog sa ibang tao, lalong-lalo na sa mga Muslim. Nauunawaan ko naman ang paninindigan ng Saudi Arabia at nagpapasalamat na rin ako dahil kahit paano'y nagkakaroon din ng pagkakataong sumamba ang ibang relihiyon -- kahit pa ito'y palihim.
Ang pahayag sa misa
Sabi ng EP, isaisip daw namin ang kahulugan ng salitang 'empty cave' sa aming buhay. Ang reading kasi ngayon ay nagmula sa aklat ni Juan sa kung saan isinalaysay ang muling pagkabuhay ni Jesus. Iyon ung eksena sa kung saan natagpuan na lamang ni Magdalena, Juan at Simon Pedro na wala nang laman ang pinaglibingan kay Jesus.
Oo nga pala, dito sa Saudi tuwing Biyernes ang pagsamba ng mga Muslim. Kaya pati kaming mga Katoliko, inako na rin naming Linggo ang Biyernes. Ito rin kasi ang day-off naming lahat.
Kaya siguro nagtataka kayo kung bakit Miyerkoles Santo pa lamang sa Pilipinas ay Easter na ang reading namin dito sa Saudi. Ganito kasi dito. Advanced ng kaunti. Noong nakaraang linggo, nag-reading na kami ng pang-Viernes Santo.
(Pero hindi pa rin ako kumakain ng karne. At least hanggang Sabado siguro. Pero kanina, pinakain ako ng kasama ko ng McDonalds. Sabi nya pwede naman daw iyon dahil manok naman daw yun at hindi karne. Natawa na lamang ako, sabay subo sa kapirasong chicken burger. Sinabi ko na lamang sa sarili ko na hindi naman ang pumapasok sa bibig ang nakakasama sa tao, kundi sa kung ano ang lumalabas dito).
Empty cave
Ano nga ba ang pakahulugan ng 'empty cave' sa buhay ko?
Sa totoo lang, wala akong maisip. Maliban siguro sa katotohanang hanggang ngayon, marami pa rin akong agam-agam tungkol sa aking pananampalataya. Iyon naman ang faith di ba? Paniniwala sa mga bagay na marami kang agam-agam. Alam mong nanduon kahit hindi mo nakikita. Nadarama mo lamang ngunit hindi mo mahawakan.
Siguro ang empty cave sa buhay ko ay ang aking pananampalataya. Na dapat wala akong maging agam-agam dahil kilala ko at dinadakila ang aking Diyos. Dapat empty ako sa anumang doubt. Para sa pagdiriwang ng Easter, iyon siguro ang pakahulugan ng empty cave sa aking buhay. Ikaw? Ano ang pakahulugan mo sa 'empty cave' ni Jesus?
Happy easter sa inyong lahat.
}:{ Kalabitin mo si Tutubi sa itaas upang marating mo ang ibang pasyalan dito sa aking tahanan...
Bakit tutubi?
Bakit naman hindi? Mainam nga sya di ba dahil hindi sya nagpapahuli sa batang mapanghi.
Sa totoong kwento, hindi ko alam kung ano ang ipapangalan ko sa aking sarili. Kaya ang nasabi ko na lang sa sarili ko, ako si Tutubi. Dahil "I want to be...".
Gusto kong maging magaling na manunulat.
Gusto kong maging manunulat na kapupulutan ng mensahe, aral at inspirasyon.
Gusto kong makilala ngunit ayaw kong maging tanyag (dahil ang katanyagan ay may kaakibat na sumpa).
Gusto kong matuto. At makapagpasa rin naman ng aking kakarampot na kaalaman.
Gusto kong lumipad sa ibang dako maliban sa Saudi Arabia kung saan ako kasalukuyang namumugad.
Gusto kong huwag nang tuluyan pang lumayo sa piling ng aking mga magulang upang maalagaan ko sila sa kanilang pagtanda.
Gusto kong huwag nang lisanin ang Pilipinas dahil marami pa akong nais marating: Vigan, Appari, Davao.
Gusto kong maging kalugod-lugod sa Diyos kahit hindi ko alam kung paano.
Ako si Tutubi dahil 'I wanted to be...'

Sunog daw, pero wala namang sunog
Nagkaroon ng pag-eensayo sa aming opisina para sa pagdating ng sunog. Kami naman ng mga kasamahan ko ay tumuloy na pag-uwi dahil pinayagan naman kami ng aming amo.
Bakit nga ba kinakailangan pang magpraktis sa dadating na sakuna? Hindi ba't natural lamang na kapag narinig mo ang tunog ng alarma sa sunog, ang unang-una mong gagawin ay titingnan kung saan nga ba ang sunog. At kapag nakita mo na'y saka mo pa lamang ililigtas ang iyong sarili.
Kanina nang tumunog ang serena ng sunog, kami'y nagtatawanan pa at dahan-dahan kinuha ang aming gamit. Dahan-dahan kaming pumanaog sa emergency exit. At nagtatawanang nagtipon-tipon sa assembly area. Pag-eensayo nga ba ito para sa isang sakuna?
Haay, buhay...
Naalala ko limang taon na ang nakakaraan nang magkaroon ng isang sakuna dito sa aming pinagtatrabahuan. Isang umaga habang kami'y nagtatrabaho, nakarinig kami ng pagputok. Sabi ng mga kasama ko, baril daw. Sabi naman ng iba, flat tire daw. Dahil wala naman kaming iba pang narinig, nagtuloy-tuloy kami sa pagtatrabaho. Medyo nagulantang lang kami nang may sumigaw sa labas ng aming building.
'Lock all the doors!'
Hindi naman namin alam ang kadahilanan pero dahil mukha namang walang ibig masamang mangyari nung kung sinuman ang sumigaw, sinunod namin ang paalala nya. Isinara namin ang pinto at tinawagan namin ang taga-bantay ng building.
'We are under attack', sabi ng kausap ng amo ko. Medyo rin may pagka-over acting si Sir kaya nagpanic sya. Sinabi nya sa amin na medyo humahangos pa nga ang tinig nya (hindi ko naman alam kung bakit humahangos e dalawang kwarto lang ang pagitan ng aming opisina), inatake raw ng mga terorista ang aming opisina.
Hmmm...exciting, sabi ko sa sarili ko. Ano ba naman ang alam ko sa terrorist attack kundi ang mga napapanood ko na pelikula ni Steven Segall.
Naghintay lang kami ng tahimik at maya-maya pa'y may malakas na katok kaming narinig sa aming pintuan. Siyempre pa, hindi namin ito binuksan. E kung totoo ngang may terorista sa labas, di ba?
Nang bigla na lang kaming may marinig:
'This is the security. All people please evacuate the building!'
A, sabi ko, hindi na ito biro. Meron nga yatang emergency.
Parang katulad kanina, dahan-dahan kaming nagpulasan sa labas ng building at medyo nga may tawanan pa dahil hindi naman namin nalaman ang nangyari.
Paglabas namin, marami na ring tao sa assembly area. Totoo nga pala. Akala namin tsismis. Pinasok ng terorista ang aming opisina. Mabuti na lang at dala ko ang aking pitaka at susi sa bahay, pero hindi ko dala ang aking bag. Hindi na kami muling pinabalik sa opisina at abot-ngiti naman kaming sumunod.
Makailang oras pa nang malaman namin ang totoo sa British Broadcasting Company (BBC): dalawang Pilipino at isang Amerikano ang pinaslang sa loob ng aming building.
(Biro mo yon, una pang nalaman ng BBC ang nangyari samantalang ilang libong milya ang layo nila sa amin, samantalang kaming nasa loob mismo ng building ay walang kaalam-alam).
Ang pangyayaring ito ay totoo at ibinalita sa buong mundo.
Nakakalungkot.
Hindi ko alam kung ang ginawa naming pag-eensayo kanina ay babala sa isa na namang pag-atake ng mga terorista. Pero limang taon na ang nakakaraan?
Sana naman hindi na ito mangyari muli.

Viernes Santo
Kung makakapagmahal ka lamang ng katulad ng pagmamahal Nya,
na handang ialay pati ang kanyang buhay,
hindi ba't napakainam ang pakiramdam
na mapatunayan mong hindi nasayang ang iyong pagpapakadakila?
Dahil ang tunay na pag-ibig ay dakila. Handang magparaya.
Hindi sumusukat, hindi mapanghusga, hindi nababayaran ng salapi.
Hindi natitinag ng kahit anong unos.
At sa kahuliha'y s'yang nananaig.
Gaano nga bang pag-ibig ang kayang mong ibigay?
Handa ka nga bang ialay ang iyong buhay at kabuhayan?
O nananaig ba ang iyong takot na sa kahulihang sandali
Ay malaman mong hindi ka pala nagmahal, kundi nag-imbot.
Dahil ang akala mong pag-ibig ay paglalagay pala sa kahon
Ng mga taong pinag-ukulan mo ng pansin at yaman.
Hindi pa huli ang lahat, tutubi. Maari ka pang umibig.
Umibig at muling masaktan. Ngunit babangon din sa kahulihan.

Subscribe to:
Posts (Atom)