Iginuhit ka ng simple. Makahulugan. Ngiting mananatili kailanman.
Pagmasdan mo syang mabuti. Napakasimple ng kanyang ngiti ngunit punong-puno ng kahulugan. Ang kwento nya ay kung ilang ulit nang nilaro ng guni-gunit at magalaw na imahinasyon. Sya'y sinasabing asawa, ina, kalaguyo, lalaki, dyosa.Simple lamang ang likhang sining ni Leonardo Da Vinci ngunit ito ang pinakatanyag sa lahat ng gawang sining ninuman. Kung anu-anong teorya na nga ang ikinabit sa larawan. May ilang nagsasabing ang modelo sa canvass ay ina ni Da Vinci. O baka nga rin si Da Vinci mismo. O composite ng maraming modelo na pinagtagpi-tagpi ni Da Vinci.
May lihim ang iyong ngiting hindi malaman kung saan nagmula.
Ang mga matang mong may kislap, waring nangungusap.
Inawit sya, isinadula, nilapatan ng tula at isinapelikula, sa pagnanasang malaman ang tunay na lihim sa likod ng napaka-among mukha.
At habambuhay kang tititigan nang walang sawa,
Dahil ang pahiwatig mo'y magkakaiba, nag-iiba.
Kung may isang bagay ang naituro sa akin ng likhang sining na Mona Lisa, ito ay ang katotohanang ang sining na pinagbuhusan ng puso at panahon, walang hanggang hahangaan.
Kailanma'y patuloy na lamang huhulaan ang dahilan ng iyong ngiti --
ngiting kahit walang hanggang panahon ang di makapagpapawi.
Ang larawan ni Mona Lisa ay hinango ko mula sa Museo ng Louvre.
}:{ Nais mo bang mabasa ang iba ko pang sanaysay?...
2 comments:
ano nga ba ang KAHULUGAN ng kanyang NGITI ? pwede ko bang malaman ?
ano nga ba ang interpretasyon ng kanyang simpleng ngiti?
Post a Comment