May kwento sa isip ko at nais ko itong magkahugis. Maaari mo ba akong tulungan?
"Siguro kung makakapagsalita lang ang bintanilyang kinahihiligan ng aking mga braso ngayon, magrereklamo na ito at sasabihing, nangangawit na ako! Kanina pa kasi ako nakatalungko at nakatingin sa labas. Pinagmamasdan ang nanay kong nakayukong nagwawalis ng mga nahulog na dahon ng kawayan. Si Tatay nama'y nagsisiga sa may dako pa roon upang hindi daw pamahayan ng lamok ang aming bahay.Ako si Luis. Dalawapu't pitong gulang. Walang asawa. Hindi na yata makakapag-asawa.
Nagtapos ako ng high school sa isang di-kilalang paaralan sa di kilalang baryo, bandang Liliw, Laguna.
Isa akong lumpo."
Ito ang panimula ng isang kwentong hindi ko alam kung saan patutungo. Hindi ko pa nga alam ang pamagat pero mainam siguro ang: Luis ng Di Kilalang Paraiso. Gusto ko syang ihawig sa Cask of Amontillado ni Edgar Allan Poe. First-person narrative sana ang nais kong gamitin upang lalong maging madamdamin ang bawat tagpo.
Hindi ko pa nga lang alam kung sino ang papatayin ni Luis. At kung bakit kailangan nya'ng pumatay.
Sisikapin ko itong mabuo at magkaroon ng hugis. Matutulungan mo ba ako?
}:{ Nais mo bang mabasa ang iba ko pang sanaysay?...
2 comments:
hindi ko alam kung matutulungan kita...hayaan mo lang din siguro paganahin ang iyong imahinasyon...subukan buuuin ang pagkakasunod ng mga tagpo sa utak...pakiramdaman ang mga posibilidad sa kwento...timbangin ang mga tagpo at ipabasa ito sa amin... :)
may nagawa akong kwento sa aking blog...ito yung "LILOK series"..maaari mo itong bisitahin, nakalista naman ang pagkakasunod-sunod nito sa mga kategorya na aking itinala sa aking blog.....gudluck parekoy... :)
paglakbayin mo ang iyong diwa...
hihintayin ko ang kwentong ito at pakaaabangan... kaya mo yan....
Post a Comment