Saturday, April 11, 2009

Sa ikatlong araw

At sa ikatlong araw, nabuhay Syang mag-muli...
Bakit nga ba itlog ang nakasanayang simbolo ng Easter?

Dahil sinasagisag daw nito ang paglalakbay ng buhay -- mula sa libingan (yong shell) patungo sa pagkabuhay (yong pagkapisa ng shell at paglabas ng inakay).

Makakanluraning tradisyon! Maka-wikipediang paniniwala.

Aaminin ko na: Hindi pa ako nakaranas ng egg-hunting. Sa mahal ng itlog sa Pilipinas (at kahit pa nga may mga manok kaming alagain), hindi pa rin namin makayang kulayan ang mga itlog at itago ito (upang hanaping muli).

Salubong. Ito lang tanging paraang alam ko sa paggunita ng muling pagkabuhay ni Hesus.

Ang salubong ay isang prusisyong ginaganap sa madaling araw ng Linggo, pagkatapos ng Viernes Santo, kung saan ipinapakita ang muling pagkikita ni Hesus at ni Inang Maria (na, sa hindi ko malamang kadahilanan, ay hindi naman naturan sa banal na aklat).

Hiwalay na nagtitipon ang babae't lalaki sa amin. Ang mga lalaki ay kasama ang Poong Hesus at ang mga babae nama'y ang Inang Maria. Sa magkabilang dulo ng pagkahaba-habang kalsada, magsasalubong ang kongregasyon at doon pakakawalan ang mga ibon at ibababa ang mga batang anghel.

May isa pa akong aaminin: nakalimutan ko na ang pakiramdam ng Salubong dahil bata pa ako nang huli akong sumali sa Salubong.

At mas lalo pa ngayong nasa Saudi Arabia ako. Kahit na wala ako sa Salubong bukas ng madaling araw sa Pilipinas, kahit paano'y lalasapin ko pa rin ang hindi ko na maalalang pakiramdam ng prusisyon. At bilang paggunita kay Hesus, heto ang isang simpleng banner na handog ko.



}:{ Nais mo bang mabasa ang iba ko pang sanaysay?...


Panalangin para sa Kuya ni Bing


Panginoon, lingapin Nyo po ang Kuya ni Bing. At isama nyo pong hipuin ng inyong mapagpalang kamay si Bing at ang kanyang pamilya. Tugunan Nyo po ang kanilang mga dalangin at bigyan Nyo po sila ng kapanatagan.

4 comments:

SuperGulaman said...

happy egg hunting... ahehehe... patok ito sa mga bading... madalas nasa pagitan daw ng hita....

...ng manok ito matatagpuaan... ahahaha...bahala ka na kung ano maiisip mo... ahahahaha...

salamat nga pla sa pagdalaw sa aking kweba...na-add na din kta sa aking blog links...salamat.... :)

=supergulaman= said...

Happy Easter! :D

Gumamela said...

sobra akong na touched sa effort nyo, u inspires me to go on despite sa pinagdadaanan ko. ur truly a blesings...

tnx a lot! God Bless!

The Pope said...

I was impressed sa artwork mong ginawa mong Easter banner, its beautiful.

A blessed Happy Easter to you, let us remember that when Jusus died in the Cross, he gave us a New Life, and on His Resurrection He has conquered Death for us.