Friday, April 24, 2009

PEBA 2009

Wala namang edad ang pagkatuto...
Wala na naman akong nagawa ngayong weekend sa Saudi. Puro pag-aaral lang sa Photoshop na sa dami ng mga clickable items ay hindi ko malaman ang uunahin. Minsan isang araw, malalaman ko rin ito.

Ang lahat naman ng tao, kung gugustuhin, madaling matutunan ang mga bagay -- lumang kaalaman man o bago. Sabi nga nila habang nagkakaedad ang isang tao, dapat laging may natututunang bago. Ito ay para patuloy na mahasa ang utak.

Ang pag-aaral ng Photoshop ang paraan ko upang mahasa ang aking isip.

PEBA 2009

Nais ko sanang lumahok sa patimpalak ng PEBA (Pinoy Expats Blog Awards) hindi para manalo kundi para makasalamuha ang iba pang Pinoy na naninirahan at namamasukan sa ibang bansa na gaya ko. Pero dahil nga kapiraso lang ang nalalaman ko sa graphic arts, sa palagay ko hindi ko makakayang makagawa ng artwork banner ng PEBA.

Ganunpaman, hayaan nyo na lamang na makilahok ako sa pamamagitan ng pagpapaskil ng kanilang patimpalak na may temang:

Filipinos Abroad: Hope of the Nation, Gift to the World

(Translation ko: Overseas Pinoy: Pag-asa ng bayan; biyayang handog para sa mundo)

OFW: May husay na galing at talinong maipagmamalaki.

OFW: Handog ng Pinoy sa mundo...
Bukas ang patimpalak sa lahat ng OFWs o expatriates na nagsusulat ng blog. (Tanong ko lang at wala sanang makaisip ng masama: Sa usapin ng pagtatrabaho sa ibang bansa, ano ang kaibahan ng OFW at Pinoy expatriate? Tingin ko pareho lang sila pero mas tanggap -- ibig sabihin, politically correct -- ang term na OFW. Ang expatriate kasi parang medyo maka-kanluranin sa pandinig).

Pero wala naman sa term yan; nasa puso.

Kaya expatriate man ang tingin mo sa sarili mo o OFW kaya, tara na! Sali ka na sa PEBA 2009.

3 comments:

Ken said...

hello po, salamat sa pagblog, taga saudi ka rin pala. added you sa KABLOGS, http://thoughtsmoto.blogspot.com under Saudi Arabia region as well as sa link ng Homesite ng PEBA Award.

Sasagutin ko lang po yung tanong niyo.

Ang Expats po ay mga Pinoy na naninirahan na sa ibang bansa, mga citizens na legal na ng mga country na yun. Ang OFW mga contract workers lang, may limit, after their contract ends. hehe, pero you give me idea para magblog about nito.hehehe Thanks for dropping by a comment. Join ka ha!

NJ Abad said...

Parekoy, salamat sa pag-post para sa PEBA. Welcome sa Kablogs!

Kitakits! San ka based sa desyerto?

Francesca said...

Sige, sali tayo, masaya ang PEBA, at meron na akong entry, pero hintay ko pa May 1, para i post sa blog ko.

eskayted ako.

CODE of this post is KOETH

guess ko, sa Kuwait ka. Dami oil dyan, tyak dami rin dolyars...