Tuesday, April 21, 2009

Wala pang bubong ang bahay kong ito

Ang headers ang una ko laging napapansin sa mga blogs. Parang bubong ng bahay ang tingin ko.
Matagal na panahon ding hindi nakapagtala ng saloobin si Tutubi. Marami kasing bagay ang nasa isip kaya hindi magkaroon ng oras upang ibahagi ang kanyang mga nakaraang araw. Ganyan nga talaga ang buhay. Marami tayong nakakalimutan paminsan-minsan.

Hindi ko naman napabayaan ang pahina kong ito. Tingnan mo nga't iba na naman ang tahanan ni Tutubi sa pagnanasang maiba sa karamihan. Hindi ko pa natatapos ang
header na magsisilbing bubong ng aking tahanan. Minsan isang araw, matatapos ko rin ito.

Marami na rin akong napagdaanang mga blogs ng kapwa Pinoy, ng kapwa taga-Saudi, mga kapwa OFW. Karamihan sa kanila malalaman ang sinasabi. Pero iisa lang ang lagi kong napagtutuunan ng pansin -- ang mga magagandang headers. Para sa akin kasi, ito ang unang-unang nakikita sa isang blog. Kung gaano pinag-isipan ang bubungan ng tahanan.

Minsan isang araw, ililista ko rito ang mga nagustuhan kong blog headers na magsisilbing inspirasyon sa aking sariling bubong.

3 comments:

A-Z-E-L said...

hahahaha... kaya mo yan... ung heavy duty na ung gamitin mong pambubong para ulanin at arawin eh lilipad pa rin si tutubi...

sige ilista mo... silipin ko... baka sakaling makisilong ako. hehehehe! goddluck!

RoMe said...

kelangan mo nga ng bubong... tsik tsik tsik! punta ka sa hardware.... joke! sa Btemplates.com pala me ibang mga themes at layout don na libre download..

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/