Thursday, April 9, 2009

Halika, kwentuhan mo ako...

Mahirap ang buhay ng pag-iisa -- sa paniniwala, sa klase ng piniling buhay. Pero nasasanay na rin ako...
Halika, pasok, hubdin ang tsinelas, at magkuwento.
Ng mga bagay na nakakatawa at alam mong makakapag-alis ng aking lumbay.
Mahirap ang mag-isa. Sa buhay, sa klase ng buhay, sa paniniwala.

Pero dahil ito ang pinili kong tahakin, dapat kong matanggap
ang lahat ng bagay na nakakabit sa aking piniling daan.

Hindi ko naman hangad ang anupaman kundi
ang lumigaya, mamuhay ng tahimik at isaayos ang pangarap.
Paminsan-minsan, naghahangad din akong may makapiling sa gabi ng pag-iisa.
Pero dahil ang pagdating ng ganuong panahon ay hindi madalas,
Medyo nasasanay na rin ako sa aking pag-iisa. Sa pagiging malumbay.

Ito na rin ang dahilan ng aking pagsusulat.
Upang ibahagi ang buhay na hindi ko naibahagi kahit kaninuman.

Hangad kong makasumpong ng katahimikan ng sarili.
Habang ikinukuwento ko ang aking buhay at pangarap.
Habang nabubuhay ako sa aking hiram na tirahan, malayo sa aking magulang.

Halika, kwentuhan mo ako...

Minsan isang araw, liligaya rin ako.


}:{

No comments: