Thursday, April 9, 2009

Dahil kailanman...

Dahil kailanma'y...tayo'y bawal.
Walang kinalaman ang kinain ko kagabi
O kung paano ako nagising kaninang umaga.

Wala ring kinalaman kung sardinas ang ulam ko ngayon,
O natawa kaya ako sa napanood ko sa telebisyon.

Basta ang alam ko...
nang matulog ako kagabi at pagkagising kaninang umaga

Ikaw ang nasa isip ko at iniilusyon,
na sana'y makatabi mamayang gabi at masumpungan paggising bukas.

Kahit na alam kong kailanma'y
Hindi magkakatooo ang aking ilusyon.

Malayo ka sa akin. Ikaw at ang loob mo.
Maari ngang hindi mo ako iniisip ngayon.

Dahil ang pagmamahal ko sa iyo at ang pagsakit ng puson ko
Ay dala lamang ng kalungkutan ng pag-iisa.

Dahil kailanman...alam kong hindi mo ako kayang mahalin.
Dahil kailanma'y tayo'y bawal.


}:{

No comments: