Normal na Huwebes ang Huwebes Santo ko dito sa Saudi.
D ko alam kung bakit pero hindi ko waring makita ang aking Tutubi blog. Hmp, siguro nagluluko na naman ang mga cache files ko (sa totoo lang, hindi ko rin naman alam ang ibig sabihin nun).Huwebes Santo. Katatapos ko pa lamang maglaba ng mga damit ko. Dito kasi sa Saudi, wala kaming pasok tuwing Huwebes at Biyernes. Nagtatrabaho kami ng 48 oras sa isang linggo na, sa kadahilanang gusto ko rin naman, ay kinakailangan naming pagkasyahin sa loob ng limang araw. Para nga naman mas marami kaming oras ng pahinga.
Pero nakakapagod din naman ang 10 oras na pagtatrabaho sa opisina kahit pa nga kadalasan ay nag-i-internet lamang ako. Biro lang.
Huwebes Santo ngayon kaya radyo lang ng free-to-air satellite ko ang bukas. Naka-tune in sa isang classic radio station. Mabuti na rin yon. Mainam habang nagsusulat ng blog.
Huwebes Santo ngayon. Maya-maya lang maliligo ako at magna-nap ng sandali. Pagkatapos ay mamamalantsa ng mga damit. Medyo madami din yon dahil hindi ako namalantsa noon isang linggo.
Ganyan lang naman ang buhay ko sa Saudi. Ang buhay ng isang single, may edad na OFW sa Saudi.
}:{
No comments:
Post a Comment