Wednesday, April 8, 2009

Viernes Santo

Kung makakapagmahal ka lamang ng katulad ng pagmamahal Nya,
na handang ialay pati ang kanyang buhay,
hindi ba't napakainam ang pakiramdam
na mapatunayan mong hindi nasayang ang iyong pagpapakadakila?

Dahil ang tunay na pag-ibig ay dakila. Handang magparaya.
Hindi sumusukat, hindi mapanghusga, hindi nababayaran ng salapi.
Hindi natitinag ng kahit anong unos.
At sa kahuliha'y s'yang nananaig.

Gaano nga bang pag-ibig ang kayang mong ibigay?
Handa ka nga bang ialay ang iyong buhay at kabuhayan?
O nananaig ba ang iyong takot na sa kahulihang sandali
Ay malaman mong hindi ka pala nagmahal, kundi nag-imbot.

Dahil ang akala mong pag-ibig ay paglalagay pala sa kahon
Ng mga taong pinag-ukulan mo ng pansin at yaman.
Hindi pa huli ang lahat, tutubi. Maari ka pang umibig.
Umibig at muling masaktan. Ngunit babangon din sa kahulihan.

Dahil ang tunay na pag-ibig ay dakila. Handang magparaya.


}:{ Kalabitin mo si Tutubi sa itaas upang marating mo ang ibang pasyalan dito sa aking tahanan...

No comments: