Sunday, May 10, 2009

Nay, salamat

Habambuhay kong aalalahanin ang uyayi mo nanay.
Ang matamis mong tinig na tumatawag ng aking pangalan.
Ang aral at tagubilin mong hindi malilimutan.

Salamat po, Nanay.

(At salamat po kay G Lucio San Pedro at Levi Celerio sa paggawa ng isang awiting umaantig ng aking puso sa tuwinang aking naririnig. Salamat po mga maestro!).

(At salamat po sa seasite.niu.edu para sa larawang ito).


Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Refrain:
Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw
Nang munti pang bata sa piling ni nanay
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal
Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing
Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay
Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay
O! inay...

Wednesday, May 6, 2009

Makukulay na pelikulang Pinoy



Ito ang mga pelikulang gusto kong panoorin ngayon Huwebes at Biyernes.

Wala kasi akong pasok sa Saudi.

Ikaw? Gusto mo bang malaman ang mga pelikulang bagong labas sa Pinas?

Bakit hindi mo dalawin ang Film Development Council?




Tuesday, May 5, 2009

Badge para sa PEBA

Sali ako sa PEBA!
Huli man daw (at di naman gaano kagaling) ay naihahabol pa rin.

Alam kong wala na akong habol pa sa dami ng mga boto sa mga nailathalang badges sa PEBA pero sana'y tanggapin nila ang aking munting handog.

Para ito sa PEBA 2009.


Katulad nga ng nasa larawan, ang simbolo ng paru-paro na may kulay ng bandila ng Inang Pilipinas ay sumasagisag sa mga OFW's na katulad ko. Gaya ng isang paru-paro, tayo ay lumipad sa iba't-ibang dako.

Ang angkin nating ganda at galing -- gaya ng sa paru-paro -- ang sya na ring handog natin sa mundo. Ang kakayahan nating kulayan ang mundong ating pinagkakanlungan -- katulad ng kung paano nagbibigay-kulay ang paru-paro sa kanyang paligid, ang marahil ay pinakadakila nating ambag sa mundo.

Mabuhay ka PEBA. Mabuhay ka OFW. Mabuhay ka Pilipinas.