Paano nga ba mailalarawan ang blangko? Isang puting papel na walang sulat? Isang garapong walang laman? Isang utak na maraming sala-salabat na ugat ngunit hindi gumagana? Eto ako ngayon. Blangko.Hindi ko alam kung saan ba nagmula ang salitang homesick. Siguro sa home at sa sick (hindi ba halata?). Siguro gustong-gusto ko nang umuwi at nalulumbay akong lubha na makapiling ang aking mga mahal sa buhay. At sa sobrang lungkot, nagkakasakit na ako sa kaiisip. Iyon na nga marahil ang homesick. Pakiramdam na may gusto kang gawin pero hindi mo alam kung ano. May gusto kang gawin para maalis ang isip mo sa kalungkutan, pero sa kasamaang-palad naman, waring nakikiayon ang mga pangyayari sa iyong kalungkutan. Sandstorm sa labas. Kulay lupa ang langit. Walang mga bituin. Malungkot ang mga palabas sa telebisyon.
Hmmmm...
Lilipas din ang mga ito. Lilipas din ang pakiramdam na ito.-----------Walang kinalaman sa titulo ng post ko-----------
Malugod kong binabati ang mga tagapagtaguyod ng PEBA 2009 dahil naging matagumpay ang kanilang patimpalak. Malugod ko ring binabati ang mga nanalo lalo na kay Azel (na sadya namang karapat-dapat na manalo). Ito ang aking pangako: sasali ulit ako sa mga susunod pang patimpalak ng PEBA.
