Setyembre na! Pasko na! Papasok na ang buwan ng nagtatapos sa 'er'. Sa Pilipinas, sigurado akong mamayang madaling araw, may magpapatugtog na ng awit Pamasko. At sigurado rin ako na 'Pasko Na Sinta Ko' ni Gary V ang patutugtugin nila. Ito na nga marahil ang pambansang pamaskong awit ng Pilipinas, kahilera siempre ng iba pang mga klasikong awitin gaya ng:
1. Ang Pasko ay Sumapit ni Ka Levi Celerio
2. Miss Kita Kung Christmas ni Susan Fuentes
3. Christmas in Our Hearts in Jose Mari Chan
E, hindi naman tungkol dito ang aking post.
Kaninang umaga, habang pinagmamasdan ko ang aking office diary dahil sa papalapit na pagbabagong buwan, napansin ko ang larawang ito sa Setyembre: isang paalala sa tamang pagmamaneho.
Pero pansinin mo, may mali sa advert nila.
Ano iyon? Sige na, kabayan, pag-isipan mo. Pagkatapos ay mag-iwan ka sa akin ng mensahe. Sa ika-5 ng Setyembre, sasabihin ko kung ano iyong maling tinutukoy ko.
Monday, August 31, 2009
Friday, August 21, 2009
Dilaw ang kulay ngayon
Para sa araw na ito, handog ko sa pag-ala-ala sa kamatayan ni Ninoy ang isang self-portrait ng aking favorite coffee mug.
Kung nasaan ka man Ninoy, toast ng isang maalab na kape! Pang-gising sa natutulog kong isip.
Mula sa website ng I Am Ninoy ang mga sumusunod na talata.
Ako ay Bayani.
Ako'y kumikilos ayon sa pinaniniwalaan kong tama.
Ako'y kumikilos ayon sa pinaniniwalan kong mabuti.
Ako'y nakikibaka para sa katarungan.
Ako'y nakikibaka para sa kalayaan.
Akosininoy.
I am a Hero.
I do what I believe is Right.
I do what I believe is Good.
I fight for Justice.
I fight for Freedom.
iamninoy.

Monday, August 17, 2009
Sining ng wallpapers
Sa paglalakbay ko sa kung saan-saan, sa tuwing wala akong ginagawa, hindi ko mapigilan ang humanga sa iba't-ibang kulay at disenyo ng mga vector graphics, vector wallpapers at vector arts na nakikita ko.
Napakarami na ngang brushes ang na-i-download ko para sa aking Photoshop. Kulang na nga lamang ay ang kaalaman ko sa pagdidisenyo. Sino'ng makapagsasabi, malay natin, baka isang araw, isang gawang sining na rin ang maialay ko kahilera ng mga artworks na ito.
Iyon nga lamang, sa tingin ko'y matatagalan pa sya ng lubha bago ko matutunan ang lahat.
Heto ang mga nadalaw kong wallpapers mula sa vector wallpaper website na nakapagpamangha sa akin. Maaari mo silang gamitin sa iyong blog ngunit ipinapakiusap kong bigyan ninyo ng sapat na credits ang may-ari.
Libre ito ngunit hindi nangangahulugang maaari natin silang angkinin na gawa natin. Dahil gawa ito ng iba -- pinaghirapan at pinag-ukulan ng panahon, tama lamang na ibalik natin sa kanila ang papuri.

Magic Hands na gawa ni Rockgelio
Friday, August 14, 2009
Umamin ka: 24/7 Internet Addict ka di ba?
Gaano nga ba katindi ang internet? Matinding matindi. Ngayong weekend lang, hindi na ako halos umalis ng bahay para lamang makapaglaro ng Luxor, makapag-Skype, mag-update ng Facebook, makapag-YM, makapagblog hop, manood sa YouTube, magdownload ng music gamit ang utorrent, etc.
Medyo nga kapag nawawala ang koneksyon ng DSL namin, nakakaramdam ako ng pagkainis; pagkaunsyami. (Minsan nga'y may mura pang kasama -- Ingles na mura kaya hindi masakit sa tenga -- sh-t, darn, holy cow, for Ch---t's sake, bullocks, etc).
Ngayong umaga nahuli ako sa opisina. E paano kasi'y hatinggabi na'y nakatunganga pa ako sa internet. (Sayang naman ang pinang-taxi ko...sh-t, darn, holy cow, for Ch---t's sake, bullocks, etc).
Ikaw, kailan ka nagbasa muli ng isang nobela, o nakapanood ng isang mainam na pelikula, o nakapamasyal sa tabing dagat kaya?
O heto, magtawa ka at basahin mo ang iyong sarili sa ilan sa mga comic cartoons na ito...
Huwag ka nang magkaila, natawa ka rin gaya ko, dahil alam mong totoo lahat ang dialogue sa komiks na ito, hindi ba?
Ang lahat ng ito'y hango mula sa cartoonbank.com.

Wednesday, August 12, 2009
Whew! Kaya ba ng lola mo 'to?
Bukas pa dapat ako maglalaba pero naisip ko mainit nga pala sa toilet kung saan ako naglalaba. Ilang araw na rin kasing mainit sa Saudi. Maalinsangan pa nga kaya't ilang minuto pa lamang sa loob ng toilet ay tagaktak na ako sa pawis. Kaya Miyerkoles pa lang ng gabi ay naglaba na ako. Bukas, tanghali na lamang ako gigising. Dayoff e!
Wala namang kinalaman ang paglalaba ko sa post na ito. Kanina lang kasi, upang maibsan ang pagod ko sa paglalaba ng mga damit ko, pinatugtog ko nang malakas ang aking tv habang nasa RTL siento-dos y cinque (102.5). Istasyon sya sa telebisyon (free to air) kung saan pinapakita ang mga bagong music videos.
Kanina muli kong napanood ang The Hardest Part ng Coldplay. Matagal ko na itong napanood at kahit ilang beses ko syang panoorin, iisa lagi ang reaksyon ko: wow! Lagi akong napapahalakhak at napapamangha ng video nila.
Heto, panoorin mo.
Whew! Kung sakaling buhay pa si Apong, ang tawag ko sa aking lola, hindi nya ito kakayanin. Sigurado ako.

Wednesday, August 5, 2009
Mabagal na papabilis ang biyahe ng buhay
Pagod ako ngayong araw na ito. Bumiyahe kasi kami kanina sa Jubail upang samahan ang mga bisita naming mula sa London upang makipagniig sa isa nilang kliyente. Mainit sa biyahe. Kahit pa nga Toyota Tahoe ang dala naming sasakyan, ramdam ko pa rin ang init ng daan.
Ang biyahe patungong Khobar mula sa aming opisina ay mahigit isang oras. Medyo nga nawala pa kami dahil hindi sinunod ng tagamaneho ang aking instruction. Sa huli'y nakita rin namin ang aming pakay na lugar at sa tulong ng Panginoo'y hindi naman kami gaanong nahuli.
Nang papauwi na kami mga bandang alas-dos ng hapon, hitik ang init ng araw sa highway. May mga nakita pa nga akong nagtatrabaho sa kalye, nagpapala ng sa wari ko'y mga buhangin upang malinis ang daan. Naawa ako sa kanila at nanliit ako ng bahagya. Naruon sila sa kainitan ng araw ngunit heto akong nagrereklamo ng discomfort. Nakakatawang nakakahiya sa sarili.
Ngunit ang napansin ko sa biyahe nami'y ito: kung gaano kabagal ang aming patungo sa pakay na lugar, ganuon naman kabilis ang biyahe namin pauwi. Nasabi ko tuloy sa sarili ko: Ang buhay ay paglalakbay sa highway.
Ito kasi siya: Sa kasibulan ng tao, wari'y napakabagal ng takbo ng panahon. May mga teenagers pa nga na nagnanais nang maging dalaga't binata kaagad. May mga dalaga't binata ngang nais na maging magulang kaagad. Labis ang kanilang pagmamadali. Ngunit...
May mga may edad namang wari'y nabibilisan sa biyahe pauwi (sa kung saa'y Diyos lamang ang nakakaalam). Kung kaya nga't karamihan sa mga gamot nila'y pampakinis ng kutis, pampabata, pampatibay ng resistensya, pampatubo ng nalalagas na buhok, pampawala ng wrinkles, at iba pa. Nakakatawa. Nang kabataan nila'y nagmamadali silang tumanda. At nang nagka-edad na'y nagpipilit magmukhang bata.
Yung biyahe namin kanina sa Jubail, ganuon na nga marahil ang magiging buhay. Mabagal ang patungo sa destinasyon; bibilis na sya sa oras ng pag-uwi.

Ang larawan ay sinipi ko mula sa blog ni Donveto nang sya'y magbiyahe mula Kuwait hanggang Bahrain (OMG! siguro'y mga limang oras yun!). Basahin nyo ang paglalakbay ni Donveto dito.
Saturday, August 1, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)