Ang biyahe patungong Khobar mula sa aming opisina ay mahigit isang oras. Medyo nga nawala pa kami dahil hindi sinunod ng tagamaneho ang aking instruction. Sa huli'y nakita rin namin ang aming pakay na lugar at sa tulong ng Panginoo'y hindi naman kami gaanong nahuli.
Nang papauwi na kami mga bandang alas-dos ng hapon, hitik ang init ng araw sa highway. May mga nakita pa nga akong nagtatrabaho sa kalye, nagpapala ng sa wari ko'y mga buhangin upang malinis ang daan. Naawa ako sa kanila at nanliit ako ng bahagya. Naruon sila sa kainitan ng araw ngunit heto akong nagrereklamo ng discomfort. Nakakatawang nakakahiya sa sarili.
Ngunit ang napansin ko sa biyahe nami'y ito: kung gaano kabagal ang aming patungo sa pakay na lugar, ganuon naman kabilis ang biyahe namin pauwi. Nasabi ko tuloy sa sarili ko: Ang buhay ay paglalakbay sa highway.
Ito kasi siya: Sa kasibulan ng tao, wari'y napakabagal ng takbo ng panahon. May mga teenagers pa nga na nagnanais nang maging dalaga't binata kaagad. May mga dalaga't binata ngang nais na maging magulang kaagad. Labis ang kanilang pagmamadali. Ngunit...
May mga may edad namang wari'y nabibilisan sa biyahe pauwi (sa kung saa'y Diyos lamang ang nakakaalam). Kung kaya nga't karamihan sa mga gamot nila'y pampakinis ng kutis, pampabata, pampatibay ng resistensya, pampatubo ng nalalagas na buhok, pampawala ng wrinkles, at iba pa. Nakakatawa. Nang kabataan nila'y nagmamadali silang tumanda. At nang nagka-edad na'y nagpipilit magmukhang bata.
Yung biyahe namin kanina sa Jubail, ganuon na nga marahil ang magiging buhay. Mabagal ang patungo sa destinasyon; bibilis na sya sa oras ng pag-uwi.
Ang larawan ay sinipi ko mula sa blog ni Donveto nang sya'y magbiyahe mula Kuwait hanggang Bahrain (OMG! siguro'y mga limang oras yun!). Basahin nyo ang paglalakbay ni Donveto dito.
4 comments:
Thank you for visiting my blog and crediting me. All the best to you.
Maganda ang mensahe ng iyong post!
Sa buhay ko ngayon, medyo nagmamadali akong makamit ang mga minimithi kong pangarap. Hindi ako makahintay, pakiramdam ko napakabagal ng usad ko patungo sa aking mga pangarap!
At tama ka, minsa'y nakakaligaw ang daan; mahirap lalo na kung nahaharap ako sa tinatawag na crossroads. Nakakatakot na baka ang mapili o ang napili ko nang kalsada- na siyang kasalukuyan kong tinatahak ngayon- ay hindi pala iyon ang daan tungo sa dako ng hinahangad kong tagumpay.
nakakatuwa talaga ang buhya, sa paglalakbay natin, sa pagkabata tutuo nga na tila tayo ay nagmamadali sa ating buhya, gustong marating ang adulthood, gustong malagpasan ang teenage stage, you are right, pagsapit ng midlife stage, tila pinipilit pigilan ang pagtanda, at pinipilit pang magpabata hahaha.
Thanks for sharing this post... happy weekend.
三色午夜免费聊天室 , 三色午夜秀聊天室 , 午夜秀聊天室 , 免费午夜聊天室 , 午夜聊天室 , 秀色秀场直播 , 秀色吧 , 藏色阁 聚色阁 秀色阁 , 寂寞在线聊天室 , 免费视频找女人聊天
Post a Comment