Monday, June 15, 2009

Paglaladlad ng Tsina

Nagbabago na nga ang panahon. Maging ang Tsina na syang pinagmulan ng sibilisasyon ng mundo at dati-rati'y naninirahan sa makalumang pananaw at pinamumugaran ng paniniwalang nagmula pa kay Comrade Mao, ay lumabas na sa kanyang aparador. Nagladlad na ang Tsina!

Natawa ako nang mabasa ko ang isang artikulo sa New York Times tungkol sa kauna-unahang pride day ng Tsina.

Natawa ako hindi dahil katawa-tawa ang larawan sa ibaba. Natawa ako dahil pinatunayan na naman ang paniniwalang patuloy na dumadami ang mga bakla kahit hindi ito nanganganak.



Maging dito sa Saudi Arabia, sinasabi nilang bawal ang mga bakla ngunit sa tuwing maglalakad ako sa kalye, marami akong nakikitang mga ate ko.

Para sa akin, ang pagiging bakla ay hindi sakit. Ito ay isang choice. Isang piniling pamumuhay. Psychological ba ito? Siguro. At dahil ito'y hindi sakit, hindi ito dapat inuman ng gamot o lunaan ng doktor. Piniling pamumuhay ito na dapat harapin ng buong tapang, ng may paninindigan at kabuuan ng loob.

Para sa akin, angel ang mga bakla. Masaya silang kasama. Walang oras ng kalungkutan. Lagi silang kapupulutan ng aral at kuwento. At higit sa lahat, sila ang pinaka-responsableng nilalang na nakita ko sa ibabaw ng mundo: mapagkalinga ng pamilya, matulungin sa ibang tao at palaging bukas ang puso sa awa. Malambot nga ang kanilang puso at ito ang wala sa karamihan ng mga sinasabing straight. Ito ang kawalan ng mga straight.

3 comments:

A-Z-3-L said...

Isa ako sa natutuwa sa mga taong buong tapang na hinaharap ang mundo sa kabila ng kanilang pagiging "iba".

Mataas ang respeto ko sa bawat taong may paninindigan at tapang... kahit anong kasarian pa ang pinili nya.. kahit naiiba pa sya sa karamihan...

nakakatuwa nga, para silang gremlins...ang bilis nilang dumami! lolz!

pamatayhomesick said...

ang ganda ng pamagat!
"tutubi"

The Pope said...

I respect all people of the society irregardless of gender, religion or affiliation.

Dito sa Doha, ang mga "bads" openly makikita mo sa kalye hahahaha. although hindi naman naka damit pangbabae, pero makikita mo sa kanilang fashion statements na "bads" sila.

Yes I agree, masayahin silang mga tao.

A blessed Saturday.