Tuesday, June 9, 2009

Tunay ka bang lalaki?

Nadalaw mo na ba ang site ng tunay na lalaki? Dalawin mo at matatawa ka. Sa pamagat pa lamang...Hay!Men (na katunog ng parte ng ari ng babae), napahagalpak na ako ng tawa.

Pero ang mas higit na katawa-tawa ay ang kanilang mga akda sa kung sino ba ang tunay na lalaki.

Sabi ng kanilang manifesto, ang tunay na lalaki raw ay:
...di natutulog.
...di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
...laging may extra rice.
...hindi vegetarian.
...walang abs.
...hindi sumasayaw.
...umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
...laging may tae sa brief.
...di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
...di nagsisimba.

Hindi ako tunay na lalaki dahil...

1. Matakaw ako sa tulog. Super.

2. Wala akong extra rice. Konti nga lang ang kanin ko palagi dahil ayokong tumaba (lalo!).

3. Ang aerobics ba ay pagsasayaw? Kung oo, pwes, hindi ako tunay na lalaki.

4. Madali akong umamin ng kasalanan at wala akong kasariang pinipili sa pangungumpisal. Kahit pa nga hangin ay kakausapin ko upang maibsan ang dalahin ng aking konsensya.

5. Ako ang tagahugas ng pinggan sa bahay namin, tagalinis ng kusina, tagapunas ng lamesa.

6. Laging malinis ang brief ko. Laging kulay puti. Para kung sakaling ma-aksidente ako at kinakailangang hubdin ng mga doktor ang aking brief, makikita nilang malinis ito. E kung sa ibang bahay ako mapunta at kinakailangan ko ring mag-alis ng brief, hindi ba't mas kaaya-aya na makitang malinis ang panloob ko. Mabuti na iyon kesa kumalat ang usap-usapan na ang brief ni Tutubi ay multi-color , mukhang madumi, me tae at mapanghi. Nakakahiya naman, hindi ba?

7. Tamad akong magsimba pero nagsisimba pa rin ako dahil obligasyon ko iyon bilang Katoliko.

Isa lang yata ang pagkakakilanlan sa akin bilang tunay na lalaki: malaki ang aking tiyan.

Lahat na nga yata ng bagay ay kinilatis ng nakakatawang website, pati na ang isang baso ng tubig.

Sabi nila, ang malinis na tubig raw ay tunay na lalaki dahil...


ito ay tasteless. (Hahahaha!).

Marami pang nakakatawang akda ang blogsite na ito. Dalawin mo at alamin kung tunay ka ngang lalaki.

No comments: