Monday, July 6, 2009

Paalam, Michael

Tawagin mo man akong baduy, buong giting kong inaamin na hanga ako kay Michael Jackson at isa ako sa mga nalumbay nang siya ay mamaalam.

Dahil?

Dahil...

1. Nuong bata pa ako, laging naglalaro sa isip ko ang awit na 'Ben';

2. Minsan ko ring sinayaw ang 'Thriller' nung high school;

3. Nung ako'y nasa kolehiyo, isa sa mga hinangaan kong lyrics ang awiting 'Man in a Mirror'.

4. Malapit sa puso ko ang buhay ni Michael (sa kung paanong malapit din sa puso ko si Nora Aunor). Alam mo yung ganung pakiramdam...yung palaging kampi sa mga api. Masisisi mo ba ako? Pinoy ako e.

5. Siya lang ang naringgan ko ng ganitong sagot sa tanong na why do you love Filipinos?: '...because of their holy smiles...'.

A, basta. Nalungkot ako nang lumisan si Michael.

Ang ilan sa mga sumusunod na likhang artwork patungkol kay Michael Jackson ay hango mula sa Best Design Options.




1 comment:

The Pope said...

Hindi maikukubli na minsan ay naging bahagi ng ating buhay ang musika ni MJ.

Gustong gusto kong tugtugin sa gitara ang Ben at iyong Heal The World.

Long live the King, his music and spirit will live forever in our hearts.