Wednesday, September 9, 2009

Liham ni Ninoy kay Noynoy

Mga piniling talata mula sa sulat ni Ninoy para kay Noynoy, 36 na taon na ang lumipas.

Nabasa ko ito galing sa Lesson Plan ni Martin Perez, na nabasa naman niya mula sa Juan Country ni Carlos Ople, na nasumpungan naman ni Ople mula sa blog ni Judge Jose T Apolo na Solutions Not Lampoon.

"The only valuable asset I can bequeath to you now is the name you carry. I have tried my best during my years of public service to keep that name untarnished and respected, unmarked by sorry compromises for expediency. I now pass it on to you, as good, I pray, as when my father, your grandfather passed it on to me."

....

"The only advice I can give you: Live with honor and follow your conscience.

There is no greater nation on earth than our Motherland. No greater people than our own. Serve them with all your heart, with all your might and with all your strength.

Son, the ball is now in your hands."
Para sa kabuuan ng liham, pakidalaw na lamang po ang mga nabanggit kong sources.

Higit sa liham na ito, kakailanganin din ni Noynoy ang suporta ng buong Pilipinas. Maaasahan nya ang pagtangkilik ni Tutubi.

Sana lang...

1. Magkaisa ang mga tao sa pagpili ng Presidente;
2. Huwag na pong tumakbo si Erap;
3. Huwag na pong tumakbo si Escudero at Legarda;
4. Huwag po sana si Binay ang maging running mate ni Noynoy;
5. Huwag namang maging mapagbatikos ang media kay Noynoy dahil hindi pa naman siya presidente...lalaban pa lamang sya sa pagka-Presidente;

At kung mananalo si Noynoy...

1. Huwag naman po sanang magkaroon ng coup. (Nasaan na ba sila Trillanes at Honasan? Hindi ba pwedeng i-asylum sila sa Afghanistan?)
2. Huwag namang maging mapagbatikos ang maka-kaliwa kay Noynoy dahil wala naman sa kamay ni Noynoy ang tunay na kaunlaran, nasa atin...sa ating pagkakaisa at pagsisikap;
3. Sana isipin ng marami na hindi nama-magic ang pag-asenso ng bansa. Nakukuha ito sa pagtutulungan ng maraming tao -- mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas;
4. Sana'y huwag niyang sapitin ang kakitiran ng isip ng maraming tao lalo na yong mga nagpapanggap na makabayan pero sa totoong buhay nama'y pawang mga power-grabbers.

Siguro, mas makabubuti kung tatanungin natin ang ating sarili: Ikaw, bakit gusto mong maging pangulo si Noynoy?

1 comment:

GLITTER101 said...

Gaya mo ay gusto ko din na magkaroon tayo ng mabuti at magaling na lider. Hindi po ako isang anti-noynoy pero gaya ng sinabi ko sa blog ko gusto ko muna subukan kung ano ang magagawa ni Noynoy para sa ating bansa. Mahal ko ang pilipinas kaya nais ko maging isang masusing mamboboto.. :)