Tuesday, July 28, 2009

Sabi ni Plato: Patawad!

Sabi ni Plato: Mamamatay ako, ika'y mabubuhay. Kung alin ang nararapat, Diyos ang nakakaalam. ("I to die, and you to live. Which is better God only knows.")

Paghingi niya ito ng tawad dahil sa mga paratang na ang kanyang mga turo ay nakaapekto sa mga kabataan ng Athens. Sinabi pa nya: Ang buhay na walang pagsusuri ay hungkag na buhay. ("The unexamined life is not worth living.")

Kung ako'y nagkasala, at alam kong ako'y nagkasala, paano ako hihingi ng kapatawaran? Gaya ba ni Plato na hanggang sa huli'y matalinhaga ang pangungusap. O isang simpleng '...sorry!' kaya ay pwede na.

Wala lang talaga akong maisulat ngayon kaya hayaan ninyo na iwanan ko na lamang ang isang babasahing nakita ko sa Time. Ito'y tungkol sa sampung pinakaimportanteng paghingi ng paumanhin. Nanguna sa listahan si Obama dahil sa tinawag niyang 'stupidly' ang isang pag-aresto ng pulis sa isang 'colored person'.

Ano kaya ang pwede kong itawag sa mga politikong nakaupo sa Senado at Kongreso ng Pilipinas? O di kaya'y sa mga oposisyong wala nang ginawa kundi mag-'oppose' (kaya nga oposisyon e!).

Hay...kapag wala talagang magawa!

O e eto pa ang isa.


Kulayan ba talaga ang mga aso? Hmmmm...ayaw ng PETA n'yan.

3 comments:

A-Z-3-L said...

sa tingin ko ung photo ng dogs ay edited lang. parang hindi totoo...

wag ka ng magisip kung ano ang itatawag mo sa mga pulitiko. gantihan mo na lang sa eleksyon... tapos sabihin mo "sorry"! hehehehehe!

Hari ng sablay said...

eh yung nung pinatay niya yung langaw nagpasorry ba siya dun?nkakatuwa yung mga ganung pngyayari,hehe

pati sapatos ng babae terno,lols

The Pope said...

Bakit hindi nakasama sa Sampung Pinakaimportanteng Paghingi ng Paumanhin ang "I am sorry" version ni Pres. Aquino, napuna ba ng Time Magazine naq ito ay hindi nagmumula sa puso?

Tama si Azel, sa 2010, "They will be sorry"