E nabasa ko lang naman po na mas mainam raw ang maiksi. Sigurado akong hindi kasarian ang pinag-uusapan dito.
Bakit 200 ang pamagat? Nabasa ko kasi sa A Brief Message (hilig ko ang maggala nang maggala), na mainam ang maiksing panulat dahil mas nagiging hitik ito. Hindi na nga raw uso ang pahabaan.
Para bang ratiles na prutas na kahit maliit ay ubod naman ng tamis.
Parang langgam na kahit maliit ay kapupulutan ng ka-higanteng aral ng kasipagan.
Parang turnilyo sa wristwatch mo na kapag nawala ay nawawalan ng saysay ang kabuuan ng iyong relo (kahit gaano mo pa ito nabili ng mahal).
Kung kaya't mula ngayon, sisikapin kong maging kasing iksi ng 200 salita ang aking post. Magkagayo'y sisiguraduhin ko naman magiging hitik ito sa laman, kaalaman at mga kuwento.
E di simulan na natin. Ito'ng post na ito ay binubuo ng 146 na salita.
2 comments:
Magandang simulain itong 200 salita, minsan napapasarap ako sa paglikha ng panulat kaya't napapahaba.
Minsan susubukan ko... salamat.
God bless.
haha ayoko ng bilangin naniniwala ako sayo, :)
Post a Comment