Monday, June 1, 2009

Kulang ako sa choreography

Kinatamaran ko na naman ang pagsusulat. Gaya ng ibang bagay sa buhay ko, naging masipag lang ako sa una. Wala pa sa kalagitnaan, parang napagod na kaagad ako.

Manaka-nakang sumisipa ang guilt dahil hindi ako dapat maging tamad. Isa akong Pilipinong masipag, may tiyaga, may determinasyon. Pero bakit nga ang simpleng pagsusulat sa blog ay waring kinatamaran ko na rin.

May nabasa ako kamakailan tungkol sa writer's block. Ang sabi, hindi raw ito totoo. Kulang ka lang daw sa imahinasyon at research kaya waring nabablangko ang isip mo.

Kailangan ko lang ng tamang choreography. Iyon ang napapansin kong uso ngayon.

Una, nanalo ang Diversity sa Britain's Got Talent. Mahusay ang choreography nila. Kahanga-hanga.

Pangalawa, naglalaban ngayon sa Tony Awards ang apat na mahuhusay na palabas pang-teatro: Irving Berlin’s White Christmas, Hair (larawan sa ibaba), 9 to 5 at Billy Illiot. Wala pa akong napapanood ni isa sa kanila at sa hinagap ko'y hindi ko sila makikita kahit kailanman (maliban na lamang kung manalo ako sa lotto at mapadpad ako sa Broadway Street ng Tate).


Pero ang sa wari ko'y pare-pareho silang mahuhusay. Katulad din iyon ng kung paano ako pinahanga, maraming taon na ang nakalipas, ng Encantada ni Agnes Locsin para sa Ballet Philippines. At dahil nilapatan pa ito ng musika ni Joey Ayala ng Bagong Lumad, ito'y naging paborito kong ballet dance sa tanang buhay ko.

Mahusay at tamang choreography ng pagsusulat. May lambing at hagod. May pag-aaral at tiyaga. Iyon ang mga dapat kong pag-aralan upang muling mabuhay ang bahay ni Tutubi.

2 comments:

Niqabi said...

Hello po.. I am new here at blogspot. I found your page and kakatuwa naman your also here rin pala.. I will add you up ha if you dont mind.. tnx po..

A-Z-3-L said...

magandang araw sa tutubi ng disyerto...

kulang ka pa sa choreography?
i dont think so...

uy! alam mo ba ang mga kaganapan sa pali-paligid? may bagong contest ang PEBA. alam kong yakang-yaka mong sumali.

pero as i can see, april ka pa lang nag-start sa bloggyworld. kelangan kase ng 6 months archive. pero the good news is, until october 30 pa pwedeng magpass ng entry.

by 1st week of october, qualified ka na... inaanyayahan kita. Top 10 ang bibigyan ng awards. so far 6 pa lang ang may pinasang entries. sali ka! naniniwala akong kaya mo...

visit: http://pinoyexpatsblogawards.com/

andun ang detalye...

salamat...