Saturday, May 23, 2009

Sariling pagkukulay

Kumain kami sa The Pizza Company nuong nakaraang linggo at nabigyan kami ng coloring books. Masarap ang pizza nila. Makapal ang crust at cheesy ang dough. Paborito ko ang seafood pizza dahil hindi nagpapanggap ang mga hipon at meron din crab meat.

Ngayong araw na ito, itinuloy ko pa rin ang pag-e-enjoy sa Pizza Company.

Dahil wala akong magawa at dahil bagot na bagot ako sa opisina, napag-isipan kong kulayan ang isa sa mga pahina ng libro na nakuha ko ng libre.

Ito ang tunay na larawan kung saan dapat ibatay ko ang mga kulay.



Ito naman ang aking sariling interpretasyon.



Malayong-malayo sa tunay na kulay. Mas lalong malayo sa nais na iparating na mensahe.

Hindi na nga ako bata. Ang bata kasi, susundin niya ang totoong kulay ayon sa pinagsisipian.

Dahil may sarili na akong karanasan at pamantayan ng tama at mali, iba na rin ang pananaw ko sa mga kulay -- at sa buhay.

4 comments:

A-Z-3-L said...

TRYING TO MAKE A DIFFERENCE?

ganun daw ang takbo ng utak ng mga taong malayo na ang narating at nabugbog ng experiences.

hindi palagiang sumusunod sa nakagawian. hindi rin nagpapadikta sa kung ano ang sabihin ng ilan.

maganda ang pahayag mo... na-impress ako!

Francesca said...

next banner ng Peba, panalo yan, live kasi.

Bing said...

mas maganda iyong sayo :)

Ken said...

Tutubi, can you give me a call or sms me anytime? 0563677487, magEEB tayo mga bloggers sa Phupink, yung mga taga Eastern. hehehe