Wednesday, August 12, 2009

Whew! Kaya ba ng lola mo 'to?

Bukas pa dapat ako maglalaba pero naisip ko mainit nga pala sa toilet kung saan ako naglalaba. Ilang araw na rin kasing mainit sa Saudi. Maalinsangan pa nga kaya't ilang minuto pa lamang sa loob ng toilet ay tagaktak na ako sa pawis. Kaya Miyerkoles pa lang ng gabi ay naglaba na ako. Bukas, tanghali na lamang ako gigising. Dayoff e!

Wala namang kinalaman ang paglalaba ko sa post na ito. Kanina lang kasi, upang maibsan ang pagod ko sa paglalaba ng mga damit ko, pinatugtog ko nang malakas ang aking tv habang nasa RTL siento-dos y cinque (102.5). Istasyon sya sa telebisyon (free to air) kung saan pinapakita ang mga bagong music videos.

Kanina muli kong napanood ang The Hardest Part ng Coldplay. Matagal ko na itong napanood at kahit ilang beses ko syang panoorin, iisa lagi ang reaksyon ko: wow! Lagi akong napapahalakhak at napapamangha ng video nila.

Heto, panoorin mo.



Whew! Kung sakaling buhay pa si Apong, ang tawag ko sa aking lola, hindi nya ito kakayanin. Sigurado ako.

3 comments:

HARI NG SABLAY said...

haha astig nga ang video na to,tibay ng buto ni lola,haha

Drake said...

Nakakagulat naman yang si Lola! KInabahan ako dun ah! Medyo lukot lukot lang yung damit ni Lola dapat planstahin(sori balat pala yun)

Grabe si Lola!hehhe

A-Z-E-L said...

galing ni lola... astig!

yan ang sinasabing, hanggat kaya ng katawan na magbanat ng buto, wag tutunganga maghapon sa bahay at aasa sa iba...

ano pang hinihintay nyo.. magpraktis na gaya ni lola!!!