Tuesday, May 5, 2009

Badge para sa PEBA

Sali ako sa PEBA!
Huli man daw (at di naman gaano kagaling) ay naihahabol pa rin.

Alam kong wala na akong habol pa sa dami ng mga boto sa mga nailathalang badges sa PEBA pero sana'y tanggapin nila ang aking munting handog.

Para ito sa PEBA 2009.


Katulad nga ng nasa larawan, ang simbolo ng paru-paro na may kulay ng bandila ng Inang Pilipinas ay sumasagisag sa mga OFW's na katulad ko. Gaya ng isang paru-paro, tayo ay lumipad sa iba't-ibang dako.

Ang angkin nating ganda at galing -- gaya ng sa paru-paro -- ang sya na ring handog natin sa mundo. Ang kakayahan nating kulayan ang mundong ating pinagkakanlungan -- katulad ng kung paano nagbibigay-kulay ang paru-paro sa kanyang paligid, ang marahil ay pinakadakila nating ambag sa mundo.

Mabuhay ka PEBA. Mabuhay ka OFW. Mabuhay ka Pilipinas.

5 comments:

mingkoy said...

ok. mabuhay!

Cheers!

Mingkoy.

PEBA said...

Hello, in behalf of the PEBA team, thank you for joining. You are designated as Design No. 6 in the Polling widget. Please ask your friends to vote for you. We will pick two, one popular choice and one judges choice.

Thank you and goodluck!

A-Z-3-L said...

goodluck saten tutubi... salamat sa pagparticipate sa PEBA contest... mabuhay tayo!!!

Francesca said...

àng sàyà sàyà n ntin sà pebà eskàyted àko khit là àko bànner entry;
welcome tutubi!

The Pope said...

BRAVURA!