Saturday, May 16, 2009

Ano ang kulay ng blangko

Paano nga ba mailalarawan ang blangko? Isang puting papel na walang sulat? Isang garapong walang laman? Isang utak na maraming sala-salabat na ugat ngunit hindi gumagana? Eto ako ngayon. Blangko.

Hindi ko alam kung saan ba nagmula ang salitang homesick. Siguro sa home at sa sick (hindi ba halata?). Siguro gustong-gusto ko nang umuwi at nalulumbay akong lubha na makapiling ang aking mga mahal sa buhay. At sa sobrang lungkot, nagkakasakit na ako sa kaiisip. Iyon na nga marahil ang homesick. Pakiramdam na may gusto kang gawin pero hindi mo alam kung ano. May gusto kang gawin para maalis ang isip mo sa kalungkutan, pero sa kasamaang-palad naman, waring nakikiayon ang mga pangyayari sa iyong kalungkutan. Sandstorm sa labas. Kulay lupa ang langit. Walang mga bituin. Malungkot ang mga palabas sa telebisyon.

Hmmmm...

Lilipas din ang mga ito. Lilipas din ang pakiramdam na ito.


-----------Walang kinalaman sa titulo ng post ko-----------

Malugod kong binabati ang mga tagapagtaguyod ng PEBA 2009 dahil naging matagumpay ang kanilang patimpalak. Malugod ko ring binabati ang mga nanalo lalo na kay Azel (na sadya namang karapat-dapat na manalo). Ito ang aking pangako: sasali ulit ako sa mga susunod pang patimpalak ng PEBA.

3 comments:

The Pope said...

Kumpleto ang elemento ng kalungkutan ss iyong binanggit na panulat: Homesick, sandstorm, starless night, at drama tv program.

Huwag kang mabahala kaibigan, di ka naman talaga nag-iisa, andyan si Bro na umaaliw sa iyo, yun nga lang tila di mo sya napupuna.

Andito rin kami, naghihintay ng iyong bagong panulat, nasasabik kaming mabasa ang iyong saloobin, ang hatid nitong inspiraasyon sa aming buhay. Tulad mo nalulungkot din kami, at sa pamamagitan ng pagbabasa ng blog kami ay sumasaya. Sana pasayahin mo rin kami.

Life is beautiful, keep on blogging.

A-Z-3-L said...

maraming salamat po.

may on-going na contest ang PEBA... inaanyayahan kitang lumahok.

punta ka lang sa PEBA site... kayang-kaya mo un...

wag ka ng malungkot... group hug gusto mo? hehehehe!

Francesca said...

FEEL KO YAN NOON, nong hindi ako makauwi, la papel, tapos nagkakalat na mga anak ko at asawa ko tatlo na anak sa ibang girls.
Pero what made me strong, widen out.
Nag blog, nag search ng forum na intersting, watch sa pc ng funny movies, also go out with "true friends" yung bang encourage ka to do good.

Then yung dedication ko ke God.
Lahat yun, will make you not feeling homesick, despite the reality na homesick ka.